If At First You Don’t Succeed, Don’t Be Surprised

Mag-iwan ng puna

Hulyo 19, 2015 ni donnagalang

Dahan-dahan lang



Hindi lahat ng bagay ay alam mo ng mabilisan. Ito ang puntong tinutukan ng may-akda sa pangalawang kabanata. Sinasabi na karanasan ay kailangan sa pagiging isang mahusay na manunulat. Tinalakay din na ang pagkakaroon ng hindi magandang ‘output’ ay hindi pa katapusan ng mundo kung kaya’t dapat na huwag mag-isip ng kung ano-ano at manlumo. Huwag ikumpara ang sariling gawa sa iba. Ikaw mismong manunulat ay dapat na hindi magduda sa sarili mong sulat.

Sumasang-ayon ako sa mga puntong nilahad ng may akda dahil naniniwala akong tayo ay binigyan ng kakayahan o ‘skills’ na habang patuloy na ginagamit at binibigyang importansya ay mas umuunlad at nahuhubog sa paglipas ng panahon. Lahat ng bagay ay dumadaan sa proseso kung kaya’t huwag tignan ang iba dahil sila ay maaaring iba ang tinatahak na istilo. Ang pagpasok ko sa pamamahayag ay nagpatikim sa akin ng pagkabigo. Pumasok akong may mataas na pagkilala sa sarili na alam ko ang ginagawa ko. Ngunit habang lumilipas ang mga araw ay nalaman kong ang dami ko pa palang hindi alam. Nabuksan ang aking isip sa panibagong mundo kung saan habang tumatagal ay sa tingin kong may mga magagandang pagbabagong nagaganap sa akin.

Mag-iwan ng puna

Imbakan

Instagram

No Instagram images were found.