But It’s Not Even Close To Perfect

Mag-iwan ng puna

Setyembre 1, 2015 ni donnagalang

Isang hakbang na masasabi nating kinakailangan sa bawat sulatin ngunit inaayawan ng ilan ay ang pag-‘rerewrite’. Mahirap na nga ang pagsisimula ng pagsusulat at pagtutuldok nito, pagkatapos ay kailangan mo pang ulitin ito. Bakit siya ang ganda na ng nagawa niya? Madalas nating tanong sa ating sarili. Subalit ating tandaan na ang pagkakaroon ng isang magandang sulatin ay ang pagsailalim sa maraming proseso ng pag-uulit. Kinakailangan dito ng mahabang pasensya at pagtatiyaga. Hindi lahat ng bagay makukuha agad sa unang beses. Pinag-iisipan ng mabuti at pinagtatrabuhan ito hanggang makuha ang tumpak na mga salita. Umabot man sa ika-sampung pag-uulit ay hindi dapat maging malungkot dahil sigurado namang mas maganda ang nagawa kaysa sa una. Kahit ano pa ang ating ginagawa, lagi nating sinasaisip na kung walang sipag at tiyaga ay walang nilaga.

Dapat nating sundin ang may-akda. Tama lamang na huwag tumingin sa gawa ng iba dahil iba’t iba naman ang ating istilo sa pagsusulat. Mas mahihirapan lamang tayo kung lagi nating ikukumpara ang ating obra sa iba. Atin laging tandaan na kinakailangan talaga ang pag-‘rerewrite’ dahil sa prosesong ito mas napapaganda ang sinulat at mas nagiging sigurado tayo rito. Sa aming klase sa Journalism ay may gawain ang aming guro kung saan pinapaayos sa amin ang mga balita sa isang dyaryo. Pagkatapos ay tinitignan niya kung tama na ito. Sa ‘activity’ na ito ay makikita ang nais ilahad ng may-akda. Kaming mga manunulat ay sumasailalim sa paikot-ikot at paulit-ulit na proseso ng pag-‘rerewrite’ upang maging tama ang aming ginawa. Kahit na maubos man ang ink at papel sa aming bahay, patuloy pa rin namin itong gagawin kung para sa ikakaganda ng isusulat.

Mag-iwan ng puna

Imbakan

Instagram

No Instagram images were found.