But What About Grammar?

Mag-iwan ng puna

Agosto 2, 2015 ni donnagalang

Pulang Ekis



            Sa takot nating magkamali at iwasan ang sandamakmak na pulang ekis ay mas lalo tayong walang nagagawa. Mahalaga ang gramatiko ngunit sa proseso ng pagsusulat ay dapat huwag mo muna ito pansinin masyado dahil mauubos ang iyong oras. Magsalita lang ng magsalita sa pagsusulat at saka isipin ang pulang ekis na sasakop sa iyong papel. Darating at darating sa puntong magkakaroon ng pulang ekis ngunit hangga’t sa maaari huwag mong gawing hadlang ito sa pagsusulat. Hayaan munang sabihin lahat ng gustong sabihin bago itama.

            Sumasang-ayon ako sa may-akda ngunit hindi sa puntong hindi mahalaga ang grammar. Ang grammar ay isang daan upang makasiguro na maiintindihan at mauunawaan ng mabuti ng mambabasa ang iyong sulat ngunit sumasang-ayon naman ako na dapat kung nagsusulat ay huwag mo munang masyadong isipin ang mga pagkakamali dahil maaaring mawala ka sa iyong ‘momentum’ at walang matapos. Sa tuwing may pinapauwing sulatin sa amin ang guro ay nagkakaroon muna ako ng paunang ‘draft’ o burador. Sa burador na ito ay hinahayaan ko muna ang aking sarili na magsulat at magsulat lamang. Ito naman ang aking basehan sa kung ano ang dapat gawin sa aking artikulo. Saka ko na lamang tinitignan ang mga pagkakamali pag ako ay patapos na. Dahil katulad sa paggawa ng eksperimento, may mga hakbang rin sa pagsusulat.

Mag-iwan ng puna

Imbakan

Instagram

No Instagram images were found.