Para sa iyo na nagmahal ng totoo

1

Agosto 14, 2015 ni donnagalang

Di ko alam kung paano uumpisahan o kung saan mag-uumpisa. Marahil ay mas mainam kung simula sa umpisa.

Grade 7- Aaminin ko hindi kita napapansin o sabihin na nating hindi ko alam na nabubuhay ang isang tulad mo sa mundong ito. Kilala ko lang ang mga taong lagi kong nakakasalamuha o sa madaling salita, mga kaklase ko lamang. Isa pang rebelasyon sa sulating ito ay kaklase mo ang dati kong kaklase na gustong-gusto ko.

Siguro ay ikalawang markahan noon o magtatapos na ang unang markahan ng ako ay tawagin ni ‘crush’ mula sa inyong bintana ng silid-aralan. Kilig na kilig ako noon dahil napansin ako ng gusto ko. Pero laking gulat ko ng sabihin niyang, “Uy donna. Bigay ko number mo kay ____ ha.” Wala akong nagawa kundi sabihing “Sige, Bahala ka.” dahil sa pagkadismaya. Noong araw ding iyon ay tinext mo ako at nagpakilala.

Pero sasabihin ko sayo ang mga pangyayari o alaala na tumatak sa isip ko at pinakilig mo ako. Hindi ko man maisulat ang lahat ngunit tandaan mo, alam ko ang lahat; nasa memorya ko ang lahat.

1) Birthday ko (Grade 7)- Nandoon lang ako nakatambay sa harap ng inyong silid. Naghihintay ng susunod na guro namin ng biglang kumanta ng sabay-sabay ang iyong klase ng ‘Happy Birthday Donna’. Hindi ko alam kung para ba talaga sa akin iyon o pinagtritripan niyo lamang ako. Bigla na lang akong umalis o ‘nag-walk out’ nung panahong iyon dahil sa gulat. Ngunit ngayon, nais kong sabihin sayo, salamat.

2) Christmas Party- Naglalakad na naman ako sa corridor at paalis na. Nagkwekwentuhan kami ng aking mga kaklase sa kung ano ang gagawin at saan pupunta. Bigla ka na namang sumulpot sa aking harapan. Binibigay ang isang paperbag na Blue Magic. Wala na naman akong nasabing matino kundi “Salamat”. Naalala ko pa pinasabi ko pa uli sa iyong kaklase na salamat uli sa iyong binigay.

3) Valentine’s Day-Kakatapos lang ng aming klase at papunta na ako sa kasunod. Bigla ka na naman muling sumulpot, hinarap sa akin ang isang bouquet ng bulaklak. Sa kasamaang palad, wala na naman akong nasabi kundi salamat.

Natatandaan ko rin na bago pa ang araw na iyon ay may nagtanong na sa akin na kaklase mo kung ano ang gusto ko. Sinabi niya na mayroon ka nga daw ibibigay.

Sa taong iyon ay maraming pagkakataon na inaasar ka sa akin ng iyong mga kaklase habang naglalakad ako, nagchachat tayo o kaya naman ay nagtetext. Sa lahat ng pangyayaring ito, ang masasabi ko na naman lamang ay SALAMAT.

Grade 8-Akala ko ay tumigil ka na dahil hindi ka nagpaparamdam. Ngunit nagkamali ako. Bigla ka na namang nagtetext o nagchachat. Wala akong maalalang specific na mga pangyayari na naganap dito. Pero may nagkwento sa akin na tuwing nagtatagpo raw ang klase natin at nakikita mo ako ay sinasabi mong nakakakita ka ng anghel. Totoo ba ito? Nagsulat din ako ng sulat para sa birthday mo. Pinasulat ako ng tatay-tatayan mo.

Grade 9-Patuloy ka pa rin. Natatandaan ko na paulit-ulit mo akong inaalok na lumabas para kumain o manood ng sine. Ngunit paulit-ulit din kitang nirereject. Patawad dahil hindi talaga pwede kasi lagi akong sinusundo. Napakadalang lang na makagala ako. Kasama lagi ang aking kaibigan na kilala ng aking mga magulang kung ako ay payagan. Pero kung talagang may pagkakataon, bakit nga ba hindi?

1)Birthday ko- Bago pa ang birthday ko ay alam ko ng may gagawin kang sorpresa kaya sorry kung sinabi ko sayong hindi ko alam. Ayaw ko lang isipin mo na sayang ang effort mo. May mga taong nagsabi sakin na may pinapasulat ka sa kanila o hinihinging pabor.

Bumabagyo ng mga panahong iyon at walang pagkakataon na ibigay mo sa akin kaagad ang iyong pinaghandaan. Sinabi mo pa na pupunta ka sa aking bahay. Nagulat ako sa iyong lakas ng loob. Pero syempre bawal, dahil strict ang parents ko. Isang linggo na yata ang nakalipas ng mabigay mo sakin yun. Ayoko pang pumunta dahil nahihiya ako at kinakabahan. Magpasalamat ka sa aking mga kaibigan at napilit ako. HAHAHAHA at alam na natin kung ano ang mga sumunod na pangyayari. Hindi ko ito makakalimutan.

2)Promposal- Sobra sobrang nagulat ako dito. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Patawad kung ang arte ko nung panahong ito. Hindi ko alam ang gagawin at ikikilos. Umiyak at sumigaw-sigaw pa ako ng panahong ito. Ayoko ng pahabain ito dahil nakakalungkot. Alam naman natin ang nangyari. Sorry dahil humindi ako. Tinago mo pa ba ang sulat ko sayo?

Ang pinupunto ko lang sa sulat na ito ay napapansin ko ang lahat ng bagay na ginawa mo. Naappreciate ko ang lahat ng effort mo. Marahil ay hindi mo alam pero kwinekwento kita sa mga kaibigan ko. Isa ka sa mga prinoproblema ko at iniisip ko sa gabi (kung ano ang dapat sabihin ko sayo; kung paano ko sasabihin sayo). Natatanaw kita saan man ako magpunta o kung saan man ako naroroon. Alam kong naglalaro ka, may kausap ka, o absent ka. Napapansin at nababalitaan ko ang lahat. Ganun ako kaobservant. Lahat ng taong kilala ko alam ko ang galaw. (Medyo creepy HAHAHAHA)

Nais kong magpatawad kung napaasa man kita. Patawad kung nasaktan man kita. Patawad sa lahat.

Iba siguro ang takbo ng istorya natin kung naging magkaibigan tayo. Ito yung lagi ko sayong sinasabi kung bakit ako humihindi. Hindi pa kasi kita kilala. ‘strangers’ to ‘friends’ to ‘best friends’ to ‘lovers’. Hindi tayo umabot sa level na friends at gusto mong tumalon na agad sa lovers. Hindi ba nakakabahala kung bigla-bigla na lamang tayo magkakaroon ng something ng hindi man lamang natin kilala ang isa’t isa. Mas sayang kung pinilit natin at sa bandang huli ay matatapos dahil hindi tayo nagkaunawaan; dahil hindi natin inaakala na ganito pala ang katangian at pagkatao ng isa’t isa. Wala akong masyadong alam sa iyo. Yun siguro ang naging problema. Nagkakagusto ka sa isang tao dahil sa katangian at pag-iisip niya. Nagtanong tuloy ako sa aking sarili. Gusto mo ba talaga ako o infatuation lang? Pero tatlong taon din yun, marahil ay gusto talaga.

Hanggang ngayon nakikita pa rin kita. Nakakasalubong sa hallway. Nais kong mag-hi sayo ngunit hindi magawa. Tignan mo, ni hindi kita malapitan. Napag-isip-isip ko ding hindi pa tayo nakakapag-usap ng personal except nung promposal at prom. Mahaba pa ang ating lalakbayin.

Nagpaalam ka na sa akin at nagpasalamat. Heto ulit ako at nais humingi ng tawad. Patawad talaga. Nais kitang maging kaibigan at doon na lamang natin malalaman kung may patutunguhan ba talaga. Ngunit oo nga pala, hindi ka na maghihintay, lumalayo na sa akin at hindi ako kinakausap.

Salamat. Patawad. Paalam.

Pakibalataan mo lamang ako kung mayroon ng iba.

1 thoughts on “Para sa iyo na nagmahal ng totoo

  1. donnagalang ay nagsasabing:

    Di mo naman ito makikita.

    Like

Mag-iwan ng puna

Imbakan

Instagram

No Instagram images were found.