Shut Up, Already, I’m Trying To Write

Mag-iwan ng puna

Hulyo 26, 2015 ni donnagalang

Bulong: Pinapasulong o Pinapaurong?



     Katulad ng tinatalakay natin sa asignaturang ESP, animo’y may isang kosensya na pumipigil o sumusuporta sa atin sa bawat hakbang na ating ginagawa. Pilit na humahanap ng daan patungong ating tainga at papasok sa ating isipan ang mga bulong na hinahatid ng hangin. “Marunong ka ba talaga?” “Dapat ilagay mo ganito.” “Mali yung ginamit mong salita!” Ilan lamang sa mga naririnig natin sa ating mga paligid. Nais ng may-akda na iparating sa atin na huwag makinig sa mga negatibong bagay sa ating paligid. Gawin mo lamang ang sa tingin mo ang tamang gawin at isulat. Huwag magpadikta sa mga tao na pumupuna sa atin lalo na at alam mo namang mas ikakasama mo ito. Tandaan mo na ang bawat isa ay may iba-ibang paraan ng pagsusulat. Gumawa ka ng aksyon upang mawala ang mga bulong na ito. Umiling-iling at alugin ang ulo upang malaman nila na hindi ka magpapatinag at nais mong mapag-isa. Sabihing “Kaya ko na ito. Salamat.” upang ikaw ay kanilang tigilan at makapagsulat ng maayos. Kung mas makakabuti, humanap ng isang lugar na tahimik at ikaw lamang ang tao upang ikaw ay makakapag-sulat ng maayos. Lubayan ang ganitong mga tao dahil hindi ka magkakaroon ng progreso kasama sila.

     Lumalabas at kumakawala ang aking tinatagong emosyon habang binabasa ang kabanatang ito. Ako kasi ay sumasang-ayon dito dahil ako mismo ay nakakararanas ng ganitong pagkakataon. Isa pa, naniniwala akong bawat isa ay may kakayahan kung kaya’t hindi dapat binababa ang kanilang kumpiyansa sa sarili. Natatandaan ko pa noong ako ay nagsusulat kasama ang aking mga kaibigan. Ipapasa na kasi ang artikulo sa aming guro sa pamamahayag. Hindi ako makasulat ng maayos dahil ang isa kong kaibigan ay kung ano-anong komento ang sinasabi. Pilit niyang pinapasulat sa akin ang mga salitang sa tingin ko naman ay hindi akma. Pinapaiba niya sa akin ang daloy ng kwento at tinatanong kung saan patutungo ang kwento. Noong una ay hindi ko siya pinapansin at hinayaan lamang. Ngunit dumating ako sa puntong napuno na ako. Sinabihan ko siya na, “Oo! Ikaw na ang magaling.” at lumayo muna sa grupo. Nakasulat na akong matiwasay noon at natapos ang artikulo. Pagkatapos ng araw ay lumapit sa akin ang aking kaibigan at humingi ng tawad. Sa sitwasyong ito ay nalaman kong minsan ay maaari o mas mainam na mag-isa lamang sa pagsusulat kung ang mga tao sa paligiday puro negatibo lamang ang hinahatid.

Mag-iwan ng puna

Imbakan

Instagram

No Instagram images were found.