First, Wait Awhile

Mag-iwan ng puna

Agosto 25, 2015 ni donnagalang

Iwanan ngunit Balikan



Tuwing natatapos nating gawin ang isang bagay o sulatin ay agad-agad natin itong hinuhusgahan. Nagkakaroon na tayo agad ng sasabihin tungkol sa sarili nating gawa, mapa-maganda man ito o hindi. Ngunit sinasabi sa kabanatang ito na kailangan nating magpahinga at gumawa muna ng iba pang mga bagay bago balikan ang ginawang sulatin. Upang makasiguradong magiging mas mabuti ang pagsusuri sa ginawa ay iwanan muna ito at hayaang mawala muna sa iyong isipan. Sa pamamaraang ito, sa pagbabalik mo sa pagbabasa ng iyong ginawa ay magiging ‘objective’ ka sa pagbabasa nito. Dahil nawala na sa iyong isipan ang iyong sinulat ay mababasa mo ang iyong ginawa sa perspektibo ng isang mambabasa. Malalaman mo kung tunay bang maganda o hindi ang iyong ginawa. Malalaman mo kung ano ang dapat alisin at idagdag dahil dito.

Tunay nga namang dapat magpahinga muna sa bawat pagtatapos ng isang sulatin. Ang bawat manunulat ay kinakailangan malinawan muli ang pag-iisip upang makapagsulat at makapagsuri ng sinulat ng maayos. Madalas ay hindi ko nagagawa ang pinayo ng may-akda. Dahil sa tuwing may pinapasulat sa amin ang aming guro ay kaagad na itong pinapasa at wala ng oras para magpahinga at suriin muli ang sinulat. Ngunit tuwing ako ay nagsusulat para sa sariling kadahilanan laman, ginagawa ko ang pamamaraang ito. Sumusulat ako tuwing gabi ng aking mga saloobin at pinapasabukas ko ang pagbabasa muli nito. Sa tuwing ginagawa ko ito ay mas nalalaman ko kung anong mga bagay, ideya at salita ang mga dapat kong alisin o kaya naman ay idagdag.

Mag-iwan ng puna

Imbakan

Instagram

No Instagram images were found.