If Writing’s So Wonderful, What’s Stopping Me?

Mag-iwan ng puna

Hulyo 19, 2015 ni donnagalang

Perpekto o Progreso



Minsan sa sobrang nais natin makagawa ng ‘perpektong’ sulatin ay mas lalo tayong walang nagagawa. Mas tinutuon na natin ang ating pag-iisip sa kung ano ang dapat gawin at hindi sa ano ba dapat ang aking sulatin. Nakakalimutan na natin ang dahilan kung bakit at ano ang saysay ng isusulat natin dahil natatali na tayo sa mga tuntuning ating sinusunod. Iniisip natin na mas maganda kung maayos at wala ng mali ang unang ginawa. Ngunti hindi natin naiisip na tayo ay mas magiging malaya kung magiging maluwag sa sarili. Mas mailalabas mo ang gusto mong ipahayag. Dahil sa kagustuhang maganda ang bawat salitang isusulat ay mas mawawalan ka ng gana at pipiliin na lamang na tumigil sa pagsusulat. Sa huli, mas maganda ang progreso at hindi perpekto. Mas magandang may nagawa kaysa sa pagsusubok na makagawa ng perpekto na hindi naman matapos-tapos. Maaari mo namang mas pagandahin ang unang mga nagawa at natapos na upang ito ang maging perpekto sa bandang huli.

Tunay at talagang masasabi kong tama ang nilahad sa kabanatang ito. Ang bawat isa sa atin ay gustong makuha sa unang upuan pa lamang ang ating gagawin kung kaya’t mas wala tayong nagagawang progreso. Mas naiisip natin ang iisipin ng iba sa ating gawa at nakalimutan na ang dahilan kung bakit tayo sumusulat. Lagi ko itong nararanasan sa aming klase, mapa-pamamahayag man o sa bawat asignatura na may pinapagawang sulatin. Nais kong tama at eksakto na ang bawat sinusulat ko kaya’t nagtatagal ako. Hanggang nag-isip nalamang ako at hindi na nakapagsulat. Umikot na lamang ng umikot sa aking isipan ang mga nais kong sabihin. Hindi ko namamalayan na paubos na ang oras at nakikita ko na lamang ang sarili na nagmamadali at mas nakagawa ng sulatin na hindi maayos. Dahil sa kabanatang ito, nakapag-isip ako na hindi ko dapat masyadong mithiin ang pagiging perpekto dahil dadating ito sa patuloy na pag-eensayo ko at pagsisikap.

Mag-iwan ng puna

Imbakan

Instagram

No Instagram images were found.