Now I Know What I Should Have Said

Mag-iwan ng puna

Hulyo 26, 2015 ni donnagalang

Munting Saranggola



     Ating ihalintulad ang pagsusulat sa isang saranggola. Lagi tayong nasisiyahan sa tuwing makakikita itong paikot-ikot at nasa taas ng langit kasabay na sumasayaw sa daloy ng hangin. Ngunit bago ito lumipad at mapunta sa ganoong kataas na lugar ay kailangan mong bigyan ito ng panimula. Sa pagsusulat ay ganito rin ang nangyayari. Kailangan mong magsulat upang may marating ang iyong sinusulat. Sa simula ay maaaring hindi agad tumayog ang saranggola ngunit sa paulit-ulit na ginagawa ay lilipad na rin ito. Ito ang nais na iparating ng may-akda sa kabanatang ito. Hindi natin agad-agad na nakukuha sa unang beses pa lamang ang nais na ipabasa o maisulat. Isa pa, hindi binabatay sa unang burador ang kagandahan ng iyong artikulo. Ito lamang ang magiging basehan kung saan tutungo ang pinaparating ng iyong sinusulat. Dumarating tayo sa punto kung saan hindi tayo agad-agad sa oras na iyon nakakaisip ng mga salitang gagamitin kung kaya’t iba muna ang isusulat pero darating ang oras na papasok na ito sa ating isipan at maitutuloy na ang pagsusulat. Magsulat lamang at saka na ito itama. Mas mabuting may naumpisahan na kaysa sa wala pa ring naisusulat. Nabubuo ang isang artikulo mula sa gulo-gulong mga kaisipan saka natin ito isinasaayos at kinokonekta sa isa’t isa.

     Hindi ko maaalintana na tama ang sinasabi sa kabanatang ito. Katulad ng mga nabanggit sa mga nakaraang kabanata na hindi nagiging perpekto ang isang bagay sa unang pagsulat pa lamang. Dumadaan ito sa proseso kung saan itinatama ang mga mali, dinadagdagan at minsan ay binabawasan ang mga salita. Sa prosesong ito ay minsan may naiisip pa tayong may mas babagay sa susulatin. at dito pa lamang unti-unting nagiging perpekto ang ating sinusulat. Naaalala ko pa na noong kami ay pinapagawa ng isang tanging lathalain. Binigyan kami ng tatlong araw kung saan magsusulat kami. Una, pinasulat at pinalarawan sa amin ang isang nahahawakang bagay. Sa pangalawang araw ay pinagamit sa amin ang mga salitang ito upang makabuo ng isang artikulo. Katulad ng inaasahan ay gulo-gulo at hindi ko pa mawari kung ano ang aking sinusulat. Hinahayaan ko lamang na mailabas at magamit ang mga salita. Ngunit pagkatapos ng araw na iyon at iniisip ko kung ano ang aking mga naisulat ay nanghihinayang ako. Ang dami kong naisip na hindi naisama sa artikulo. Dumating ang pangatlong araw at pinaayos sa amin ang artikulo. Doon ay inayos ko ang mga sinulat at ginawang basehan ang unang burador. Dito lumabas ang konseptong inilahad ng may-akda ng aklat. Ang pag-‘rewrite’ ay isang hakbang sa isang magandang pagsusulat dahil hindi palaging sa umpisa pa lamang ay makukuha mo na ang nais mong ipahatid.

Mag-iwan ng puna

Imbakan

Instagram

No Instagram images were found.