It’s Muzak To My Ears

Mag-iwan ng puna

Agosto 2, 2015 ni donnagalang

Isang Diretsong Linya



            Mapapansin natin na sa tuwing gumuguhit ang mga bata ng dagat.Hindi lamang simpleng diretsong linya ang kanilang ginagamit dahil malaki ang magbabago sa larawan. Malalaman pa kaya natin na dagat o talon ito kung diretso lamang ang guhit? Ganito ang sinasabi ng may-akda. Kung patuloy lang na magiging ‘monotone’ ang pagsusulat ay hindi na kaaya-ayang basahin. Sa pagsusulat ay kailangan ng magandang daloy. Kailangan dumadaloy ng parang dagat ang mga pahayag na sinusulat mo. Kailangang maramdaman ng mga mambabasa na kinakausap mo lamang siya na para bang sumasabay lang sa agos ng dagat. Isa pang halimbawa, tuwing sa gumuhit tayo ng ‘smiley face’ ay ‘curve line’ din ang gamit dahil hindi magiging ‘smiley face’ ang kakalabasan kung diretsong linya ang ginamit mo. Hindi mailalabas ang nais na emosyon mula sa mambabasa kung ang pagsusulat ay sobrang simple lamang. Walang matatanggap na opinion o reaksyon na inaasahan sa kanila.

            Sumasang-ayon ako sa nais sabihin ng may-akda dahil minsan ay hindi ko namamalayan na ginagawa ko na pala ito. Tuwing pinapagawa kami ng mga sulatin ay ang dami kong naiisip ngunit pag magsusulat na ay iba ang naiilathala ko. Nagiging paulit-ulit ang mga pangungusap at salita at walang ‘impact’ sa madaling salita. Pero kung ito ay ipapahayag ko gamit ang aking boses ay iba ang dating. Minsan din sa sobrang kulang sa oras ay sobrang simple na lamang ng mga nasusulat na para bang gumagawa lang ng pangungusap. Minsan pa ay hindi magkakaugnay o walang maayos na ‘transition’. Ngunit sa pamamagitan ng kabanatang ito ay nabuksan ang aking isipan at natutong maging pokus sa pagsusulat upang hindi mawala ang emosyon o maaaring “momentum’ sa pagsusulat.

Mag-iwan ng puna

Imbakan

Instagram

No Instagram images were found.